June 12th, 2008

Sa halos isang taon kong pananahimik, at sa dami na ng mga pangyayari sa buhay ko,  naisip ko na panahon na rin siguro para makibahagi ulit ako sa totoong mundo.

Makikinig ka pa rin kaya?

Posted by kankarot at 01:58 PM | 1 ang tumambling

August 16th, 2007

 

 

 

 

 

 

 

... tahimik lang talaga ako minsan.

Currently feeling: sick
Posted by kankarot at 12:25 PM | isayaw mo ko!

June 26th, 2007

looooong summer...

naisip ko lang... eto na siguro ang pinakamahaba kong summer. parang "summer special".

una sa Hong Kong... i stayed there for one week kaya nga lang may kasamang trabaho. well, actually di naman talaga ako pupunta dun if not for work, sinabay ko lang ang bakasyon. i stayed at Renaissance Hotel in Shatin and travel all the way to New Territories, where my office is located, everyday. kahit malayo, ok lang, masaya naman ang ride. i visited several tourist spots there: Avenue of Stars (with bonus Symphony of Lights), The Peak, Lan Kwai Fong, Ocean Park and a lot more.  and guess what? nabighani ako sa airport nila na feeling ko isa yun sa mga tourist attractions ng bansa nila. haha! from New Territories to Tsim Sha Tsui to Hong Kong Island, parang okay lang lakarin. bukod sa madaming magagandang makikita sa paligid, wala pang snatcher! (yun yon e!)

after a week Puerto Galera naman... ayus sa Lan-Sei Resort! the best ang food at lahat lahat na. maganda din naman sa Gale un nga lang nauna ko kasing napuntahan ang Bora kaya malayo pa lang ang bangka, tanaw pa lang kung baga, medyo disappointed na ako sa hitsura ng beach. Pero not bad, later on na-appreciate ko na rin.

next stop Baguio... masarap dito! malamig!

bukas... Palawan... here i come!

--- excited na ako... wag lang sanang bumagyo (tibok! tibok!).

Currently feeling: excited
Posted by kankarot at 08:20 PM | 2 ang tumambling

June 21st, 2007

learn PINOY words!

-----ito ay hango sa isang email ng kaibigan. 

palawakin ang inyong kaalaman. tawa muna diyan mga kapatid! 

1. BAKTOL --- ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. Ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. ito'y dumidikit sa damit, at humahalo sa pawis. madalas na naaamoy tuwing registration, lalo na sa mga GE (General Engineering) subject gaya ng natsci, comm, socsci, etc, dahil sa sobrang siksikan ng mga estudyante.
 Ex. "
Put@#$%, sinong nangangamoy BAKTOL sa inyo????!!!"

2. KUKURIKAPU --- libag sa ilalim ng boobs. madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. maaari ding mamuo kung hindi talaga naliligo o
naghihilod ang isang babae. ang KUKURIKAPU ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang joga.
 "Honey, maligo ka na kaya para maalis yang KUKURIKAPU mo..."

3. MULMUL --- buhok sa gitna ng isang nunal. mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal. subalit hindi talaga ito naaalis, kahit na bunutin pa
ito, maliban na lamang kung ipapa-laser ito.
 "How nice naman your MULMUL!"

4. BURNIK --- echas na sumabit sa buhok sa pwet. madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos dumumi. ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito. ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo na lamang upang ito'y maalis.
 "Labs, alam ko kung anong kinain mo kanina!!!"    --> eeew!!

5. ALPOMBRA --- kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa quiapo. ito'y may makipot na suotan ng paa, at manipis na swelas. mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang suot ng mga lalaki. available in blue, red, green, etc.

6. BAKOKANG --- higanteng peklat. ito'y madalas na dulot ng mga sugat na malaki. imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito'y mayroong makintab na takip.

7. AGIHAP ---  libag na dumikit sa panty o brief dahil sa labis na pagmamahal sa suot panloob. nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay nasuot na ng hindi bababa sa tatlong araw.

8. DUKIT --- ito ang amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo sa iyong puwit...  --> uuy... ita-try! haha!

9. SPONGKLONG ---  ito'y isang bagong wika an nangangahulugan sa isang estupidong tao.
 Ex. "Buti naman at bumaba na sa puwesto ang spongklong nating Presidente."

10.LAPONGGA  ---  ito'y kahintulad sa laplapan o kaya ay lamasan     --> the term!
 Ex. "Hoy Utoy, bakit ba ang hilig mo sa mga sineng puro lapongga lang ang   palabas?"

11.WENEKLEK --- ito ang buhok sa utong na kadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Meron din ang babae nito.
 Ex. "Inay! Si Itay, sinaksak yung kapitbahay natin kasi hinila yung weneklek niya!"

12.BAKTUNG --- pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.
 Ex. "Uy Jefferson, tingnan mo si Ma'am, baktung na naman!"

13.bakti --- bakat panty

14.asogue --- buhok sa kilikili

15.barnakol --- maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon

16.bultokachi --- tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang isang malaking echas

17.butuytuy --- etits ng bata

18.jabarr --- pawis ng katawan

19.kalamantutay --- mabahong pangalan

20.mcarthur --- taeng bumabalik after mong i-flush

---- now you know!

Posted by kankarot at 11:18 AM | 6 ang tumambling

June 18th, 2007

Undo Delete!

minsan talaga may mga panahong di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga nangyayari sa paligid ko. may mga pagkakataong natatawa ako sa mga bagay na siguradong dapat sana'y kinaiinisan ko at may mga oras din namang naiinis ako sa mga pangyayaring kadalasan ay ikinatutuwa ko. normal naman ang pag-iisip ko. ewan ko ba.. gets mo?

di maiiwasan sa mga katulad kong empleyado ang tamarin sa trabaho lalo na kung ang pakiramdam mo e di ka nabibigyan ng halaga. hmmm... mahalaga naman ako sa iba kapag may kailangan sila sa akin o di kaya e kapag wala na silang choice na samahan. ang saya di ba? actually di yang "gamitan" topic ang gusto kong pag-usapan... malungkot e. dun tayo sa malungkot na pwede na ring tawanan.

naimbyerna ang kasipagan ko! nabura ang mga pinaghirapan ko ng dalawang araw. Dahil ako ay isang programmer, ang linya ko ay ganito: "ang codes ko?!". nawala ng parang bula. sinubukan kong gamitin ang "undo delete" ng windows at ang "undodelete.exe" mula sa Top PC Tools . hindi gumana. in other words... kailangan kong ulitin ang mga ginawa ko.

makalipas ang limang oras...
natapos ko na. mas gumanda pa nga actually. nice!

kinabukasan...
sinabi ng boss ko na hindi na daw kailangang gawin ang natapos-ko-nang-gawin-na-inulit-ko-dahil-nabura. hindi na ito gagawin. oh hindi!


****

madali kong naiintindihan ang mga bagay-bagay. lahat ng mga nangyayari binibigyan ko ng dahilan. ika nga "look at the brighter side". kaya ganun na lang ang pakiramdam ko na nabibigyan ng hustisya ang bigat sa kalooban na nararamdaman ko sa tuwing may mga pangyayaring nakasakit sa akin physically man or emotionally. kaya lang syempre tao pa rin ako.

maramdamin ako sa totoo lang. at katulad nga ng sinabi kong tao lang ako, marunong at madali rin naman akong magpatawad. minsan nga lang di ko maiwasan ang isipin ulit ang mga nangyari sa akin in the past na talagang nakasakit sa akin.

"kung nasaktan mo man ako, pinatawad na kita. patawarin mo rin sana ako kung hanggang ngayon, sa kabila ng mga pagbabago, nasasaktan parin ako."

wala na rin naman akong magagawa sa mga bagay na nangyari na. di ko na yun mababago.

Currently feeling: working
Posted by kankarot at 01:48 PM | 1 ang tumambling

June 15th, 2007

Grey's Diagnosis

     It's not that I am so addicted to Grey's Anatomy (well at least not so) but it's just that I got really hooked up with the series' story, plus the characters were portrayed very well by the cast that most of the time I get carried away. I get emotional whenever there are conflicts or heart-breaking moments that you can even see me crying whenever Izzie is (yeah this one is corny I know..).

      Season 3 has just ended and I really can't wait for the new season. Since I have no Grey's movies to watch, funny that I resorted to answering quizzes. Here's one...

Grey's Diagnosis: I'm Callie

Posted by kankarot at 05:34 PM | 3 ang tumambling
« Newer | »